Okay.. So ilang weeks rin bago ako nakapag post ulet.. First entry for the month of March. Kumusta naman kayo? ako? hmm maya maya ko na babanggitin.
---
THE PAST-
Whew dami nangyari, ewan ko. The past few months or weeks or days, well dito ko na lahat sasabihin kung ano yung mga natatandaan ko. I've been very busy sa Thesis namin, ilang days rin ako sobrang busy at kinalimutan muna yung mga dati kong gawain. Pero yung pagpupuyat andun parin hehe as usual. Last month was a hell of hard work. Grabeng pagod as stress dahil sa lintek na THESIS na yan!!
[ KUNG SINO KA MANG NAKA ISIP NA MAGKA-THESIS ANG MGA GRADUATING, SANA PATAY KA NA NGAYON :) ]-
Then ano pa ba, ahh ayun! me and my x broke up. Nung kasagsagan ng pag gawa ng thesis. Misunderstanding lang sa time and relationship. Hindi ko naman siya masisisi kasi busy nga talaga ako. Inisip niya siguro na wala na ko time para sakanya. Kaya ayun. Whew! change topic. Ano pa ba dami pa neto iniisip ko kanina bago ko umpisahan itype tong entry.. Wait.. *thinking*...
AHA! ayun. Sportsfest ng school namin, naglaro ako bowling. tapos 2nd ako sa Singles Men tapos champion sa Men Doubles. haha wala narin kasi ako maisip ilagay so next topic na?
---
THE PRESENT-
Hmm good. next topic na ko. Good news agad dahil after the hard work sa thesis eh pasado ako.. haha atleast my effort really paid off :) Tapos eto single parin. Parang dati lang.. Ahm may tanong ako...
PANO KUNG NAHUHULOG KA NA SA ISANG CLOSE FRIEND MO? ANO GAGAWIN MO?or
HINDI MO INAASAHANG MAHULOG KA SAKANYA PERO NANGYAYARI PARIN?wala lang :P natanong ko lang.. ah kelangan pala ng sagot ko. Ahm marami kasing factor eh. Eto iniisip ko.. Pano kung maging kayo nga.. tapos bandang huli magkakasakitan lang kayo. Diba sayang yung friendship? tapos tagal niyo na magkakilala..
OUCH! hirap diba?
-
Eto balik nanaman ako sa mga dati kong ginagawa tulad ng pag gawa ng overlay layout para sa friendster, maglaro ng Special Force hanggang madaling araw tsaka mag chat. Eh yun naman lagi ko ginagawa before ako maging busy sa thesis. Bwahahaha at last! wala nang lintek na defense defense! Namiss ko rin gumimik kasama barkada, sakto Flower Festival dito. Dami pwede pagtripan tulad nung Sat. ( Feb. 28 ata ) eto ang scene:
ALE :
Bili na ho kayo, pasok pasok lang.( SABAY SUMAGOT AKO )ERL :
Eh pano naman papasok mga tao dyan eh lahat ng paninda niyo nasa labas. Ano titignan nila sa loob?!?- naku ale tigil mo na pag langhap ng katol.
MABUTI yan sayo :)
Senxa na kung kayo napag titripan ko. Ganyan lang ho talaga ako.
---
THE FUTURE?-
Eto na ata yung mahirap na part eh. So graduating na nga ako sa May... HOPEFULLY? ahehe... Hindi ko pa alam kung san ako mag ttrabaho, pero feeling ko sa
CALL CENTER rin bagsak ko.. madali kasi yung work na yun, puhunan mo lang eh magaling mag english. Magaling naman ako kaya lang di ko lam kung nasa average ba. Tapos syempre priority ko parin yung pagtulong sa Mom ko. Sobrang dami ko plano, bahay, kotse, sobrang dami. Ay oo nga pala.. pagbuo pa pala ng sariling family.. kaya lang tsaka na yun pag may matino na kong work.. Marami naman dyan hindi tayo mauubusan.. diba "
bebi " ? ahahahah uyyy
CURIOUS ka kung sino yun noh? ehehe close friend ko yun :P
-
ano pa nga ba? wala narin ako masabi. siguro dito ko na tatapusin tong entry ko.. basta update ko kayo kung anong bago ehehehe. ay oops meron pa pahabol..
ACKNOWLEDGEMENTS1st of all salamat kay God sa lahat ng blessings. Salamat sa family ko. Sa mga friends ko especially yung bestfriend kong si
Daryl na taga dito rin sa Baguio. Ang
BBP25 ko (
babi Ayen and
bok Ron sa walang sawang confe at kwentuhang kung san-san napupunta. i love you both). Kay
bessy Cait na kausap ko nung time na broken hearted kaming pareho haha. Si
bebi Ghi na lagi ko kausap at walang sawang pakikinig sa mga kwento ko.. maraming salamat. Sa
RPS Fam ko,
YM Chatters, at sa lahat ng di ko na mababanggit dito, MARAMING SALAMAS este SALAMAT!
-
At dyan nagtatapos ang entry ko.. Paki visit nga pala ang bago kong page.
«
www.friendster.com/erl017 »
at wag kakalimutan mag bigay ng comment :P
Thanks for reading my post. Have a nice day and God Bless!
- END -